Una sa Balita

Catriona palaban sa biritan kay Regine

0 383

Kung nu’ng last Sunday ay nagpasabog ang “ASAP” with “Grand Tala Day”, looking forward naman ngayon ang mga fan sa panibagong pasabog nila dahil magsasanib puwersa sa stage ngayong Linggo ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Mukhang bongga talagang sinisimulan ng naturang variety show ang 2020. At desidido silang huwag paabantehin sa rating ang kalaban nilang programa.

“DYINNNNGGGGG (crying + starstruck emoji),” tweet ni Catriona kalakip ang promotion photo ng “ASAP” na may litrato nilang dalawa.

Hindi maitatanggi ang fangirl moment ng beauty queen sa idolong singer. How cute lang, kasi, matatandaang napa-‘nganga’ naman si Regine kay Catriona habang nagsasalita ito sa isang event na dinaluhan nila last year.

Pero, in reality, si Catriona pala talaga ang hangang-hanga kay Regine, ha! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More