Una sa Balita

Catriona napilit sumali sa Bb. Pilipinas

By

Miss World PH 2016 ka na, ‘di ba?

0 10,118

Excited ang local beauty pageant fans sa pagsali ni Miss World Philippines 2016 Catriona Gray sa Bb. Pilipinas 2018 dahil naniniwala sila na malaki ang tsansa ng Filipino–Australian model na makuha ang Miss Universe Phi­lippines 2018 title.

Marami ang nadismaya nang hindi magkaroon ng puwesto si Catriona sa Miss World 2016. Umabot lamang si Catriona sa Top 5 finalist ng contest kaya kinumbinsi siya na subukan ang kapalaran sa Bb. Pilipinas noong 2017 pero pinili niya na magpahinga.

Nakumpirma ang pagsali ni Catriona sa Bb. Pi­lipinas 2018 noong Lunes, January 8, ang deadline ng application para sa mga gustong sumali sa beauty contest ng Bb. Pilipinas Charities Inc.

“Today marks the reveal of an evolution of self that has been quietly happening away from the public’s eye for a little while now.

“It was in no way planned, but sometimes the stars align to make things happen,” ang paha­yag ni Catriona tungkol sa hindi planado na pagsali niya sa prestigious beauty contest ng bansa.

Matalino, maganda at mabait si Catriona kaya naniniwala kami na magiging positibo ang resulta ng kanyang Bb. Pilipinas 2018 journey sa kabila ng sagot niya nang tanungin namin tungkol sa posibilidad na pagsali sa naturang beauty pageant, ilang araw bago siya lumipad sa Was­hington D.C. noong December 2016 para sa Miss World coronation.

“I never had the interest eh. All I saw was it’s just a pageant but Miss World, it makes about more than me if that makes sense.

“Parang because I’ve seen that, other pageants, it’s really like you’re almost a celebrity for the remaining year, mga photo shoot, events, special guest but really in Miss World, you really travel and just for charity.

“It’s really the charity work, the charity, identity­ of Miss World. That’s something that really appeals to me,” ang walang bahid na intriga na sagot ni Catriona sa tanong namin.

By now, tiyak na alam na ni Catriona na tulad ng Miss World Organization, may mga advocacy at charitable institution na tinutulungan ang Bb. Pilipinas Charities Inc. na nagpanibago ng kanyang pananaw kaya sumali siya sa 55th edition ng Bb. Pilipinas.