Una sa Balita

Catriona nag-alsa balutan na sa Miss U apartment

0 563

Nag-alsa balutan na si Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa kanyang New York City apartment dahil titira na roon ay ang papasahan niya ng Miss Universe crown on December 8 sa Atlanta, Georgia.

Isang taon ding tumira si Queen Cat sa NYC noong manalo siya bilang Miss Universe last year sa Thailand.

Sa kanyang Instagram post last December 1, nagpaalam na si Catriona sa New York at pasakay na siya ng eroplano for Atlanta.

“Atlanta here we go! This is also my official goodbye to New York! Feeling super sentimental about it all! I walked into this lobby in these exact boots earlier this year, now we’re 9 days away from welcoming a new queen! Join me for one last trip as your reigning #MissUniverse.”

Sa isang separate post, nag-share si Catriona ng photo kunsaan nasa background niya ang pamosong New York skyline.

“Will forever remember the year I called this concrete jungle, home. Thank you, New York.”

In-unveil naman noong December 5 ang bagong Miss Universe crown na gawa at designed ng world-renowned jeweler Pascal Mouawad.

Ito ang unang pagkakataon na gumawa ang Mouawad ng crown para sa Miss Universe.

Family-owned Mouawad is known for creating rare jewels and timepiece collections. The famous jeweler garnered several Guinness World Records. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More