Una sa Balita

Catriona nabulol sa karangalan

0 545

Sa huling rampa ni Catriona Gray bilang Miss Universe, inangkin talaga ng reyna ang entablado habang naka-play ang voice-over ng kanyang talumpati tungkol sa kanyang journey bilang Miss U.

“I’ve always believed that as women, we have the power to redefine our generation. When we raise our voices together, the words ‘woman power’ become more than just a phrase – they become a movement. I wanted my year to be a reign with purpose. From advocating for quality education for all to raising awareness for HIV/AIDS, I strive to use my voice for good. Thank you to mom and dad for always believing in me,” sabi ni Gray sa kanyang speech.

Bukod pa sa kanyang mga magulang, pinasalamatan niya rin ang iba pang mga tao sa likod ng kanyang tagumpay bilang Miss Universe at siyempre ang buong Pilipinas.

“And to my beloved Philippines, isang karalangan po ito,” dagdag pa ng reyna.

Napansin ng mga netizen ang pagkabulol ni Catriona na agad umani ng maraming reaksyon sa mga nakanuod.

Marami ang bumatikos sa maling pagbigkas ni Catriona. Sa halip na “karangalan” ay “karalangan” ang nabigkas niya. Nadismaya ang karamihan dahil ito na ang huling rampa ni Catriona, tapos hindi pa maayos ang pagkakabigkas ng wikang Filipino na national language ng bansa.

Gayunpaman, hindi mawawala ang mga solid supporter na ipinagtanggol ang reyna at sinabing huwag na dapat puntiryahin ang iisang salitang nagkamali ang reyna dahil dala naman nito ang pride ng bansa nang iuwi ang korona sa Pilipinas noong 2018. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More