Una sa Balita

Catriona kinilig sa pagbirit kina Regine, Sarah, Moira

0 425

Tinupad ng “ASAP Natin ‘To” ang naging Christmas wish ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na makasama sa isang stage ang hinahangaan niyang mga singer na sina Sarah Geronimo, Regine Velasquez, and Moira, at marami pang iba.

“So. Friggin. Kiliiiiiig. So honoured to share the stage with these amazing crazy talented Pinays,” post ni Cat sa Instagram.

Sa isa pang IG post: “Such a dream to share the stage with our talented country’s pride.”

Bukod sa pagiging isang beauty queen, dream ni Catriona ang maging isang professional singer. Nakapagtapos ito ng isang music course sa Amerika. At nagsusulat din siya ng kanta.

Kelan lang ay pumirma siya sa ABS-CBN Publishing para sa gagawin niyang memoir na “Conquering The Universe”. Tungkol ito sa kanyang journey in the pageant world. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More