Una sa Balita

Catriona humingi ng dasal para sa Miss U crown

Tyra Banks super saludo kay Gray

By
0 569

Maging ang dating international supermodel na si Tyra Banks ay napanganga sa ‘slo-mo twirl’ na ‘yun ni Catriona Gray na trending topic sa social media mula nang rumampa siya sa preliminaries na naging isang malaking advantage nga ng Philippine bet.

Ayon kay Ms. Tyra nang i-tag siya ng isang netizen sa performance na ‘yun ni Cat, “I mean…Pinoy Power To The Max!”

Para sa isang katulad nilang known celebrity at kilalang host ng America’s Next Top Model, aba, isa itong napakalaking compliment sa ating kandidata.

Ngayong gabi (umaga sa Pilipinas) ang coronation at final night ng Miss U 2018 sa Thailand, pero, kung babasehan ang online predictions, runaway winner si Catriona.

Meron pa ring nanlalait sa kanya lalo na mga nasa Latin countries, pero normal ito dahil mataas ang kanilang superiority complex lalo na sa mga beauty pageant particularly sa Miss U.

Pero, ang na-notice ko lang, aba, kahit paano ay nasa Top 5 choices nila ang ating panlaban which means ang laki talaga ng advantage ni Cat dahil nga raw sa pleasing personality nito na napaka-charming, confident but humble, intelligent at ang bonggang pasabog nga nito sa preliminary event kung saan kukunin ang Top 20.

Well, malalaman ngayon kung ang lahat nga ba nang pinaghirapan niya, ng kanyang team, ng Bb. Pilipinas Charities ay magkakaroon ng katuparan at ang mga dasal ng buong Pinoy community ay didinggin ng nasa Itaaas. At kahapon nga ay humingi rin ng dasal si Catriona sa mga Pilipino na tulungan siya o gabayan siya sa laban niya ngayon sa Miss U.

Good luck, girl!

***

Tony, Angel pinaka-hot na tandem ng 2018

Sa katatapos na first part ng Family Love Concert ng ABS-CBN, kinabog ng loveteam nina Angel Aquino at Tony Labrusca at ng ‘Halik’ loveteam plus one nina Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion ang mga younger loveteams na nag-perform sa nasabing Christmas special ng Kapamilya network.

While hindi naman nagpabaya ang mga tagahanga ng bagets version ng mga loveteam, pero iba talaga ang impact ng Glorious at Halik tandem. Lalo na siguro kung nandun pa si Jericho Rosales, baka mas lalo pang nagwala ang mga nasa audience.

Sa totoo lang, ang lakas ng dating ng pagsasama nina Angel at Tony na kahit sa YouTube ay isa sa most-viewed ang trailer movie nila at ang interviews sa kanila.
Ang tandem naman nina Jericho, Sam, Yen at Yam ay sobrang pinag-uusapan din ngayon dahil sa taas ng ratings nito na nagiging exciting sa primetime slot gabi-gabi.

Well, ang pinaka-highlight sa first part ng special na yun ay ang performance ng buong Ang Probinsyano cast na pinagkagastusan ang kanilang costume, huh!

Aliw ang mga hirit nina Edu Manzano at Jhong Hilario na napatayo pa nito ang lahat upang sumayaw ng theme song ng dati niyang game show na Game Ka Na Ba?, ang Papaya na nakilala world-wide.

Nahagip din ng kamera ang sobrang paghanga ng ABS-CBN Chairman Emeritus na si Gabby Lopez na pumapalakpak pa talaga for Regine Velasquez na mahaba ang naging exposure sa nasabing Christmas concert.

Anyway, next Sunday ay mapapanood naman ang Part 2 nito na tiyak na inaaba­ngan na ng marami.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy