Una sa Balita

Catriona hinamon ng rampahan si Tyra Banks

0 934

Ni: Glenn Regondola

Grabe pa rin talaga ang impact ng Lava walk na ‘yun ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa supermodel na si Tyra Banks. Isa si Tyra sa nag-root sa panalo ni Catriona lalo na nu’ng mapanood nito ang slow-mo twirl na ginawa nito sa preliminary competition.

Hanggang sa siya na nga ang koronahan ay muling nagbigay ng mensahe si Ms. Tyra ng kanyang approval sa panalo nito at pinuri nga nito ang confidence at charm ng ating pambato.

Isang malaking statement nga ang binitawan ni Tyra sa kanyang tweet na, “I can’t stop thinking about that Lava Walk!”

O, ‘di ba? Coming from her. Talagang napabilib siya ni Catriona and feeling ko, dito siya naungasan ni ng ating Miss U bilang isang Catwalk Queen.

Viral muli ang tweet niyang ito, at candidly and kindly, sinagot siya ni Cat saying na malaking katuparan para sa kanya ang magkaroon ng isang dream walk with Ms. Tyra.

Hindi naman ito imposible lalo na’t New York based naman ang Bicolana pride, and who knows, maimbitahan talaga siya ng supermodel para muling ipamalas ang kanyang word record-setting na rampa.

Oo naman, noh!

Kim Domingo ayaw pang pakasal sa dyowa

Sa pagdalaw namin sa taping ng bagong show ng GMA 7, ang TODA One I Love sa malayong Mexico, Pampanga, napag-alaman namin mula sa lead star nitong si Kim Domingo na finishing touches na lang daw ang ginagawa sa kanyang bahay bago nila ito malipatan.

Medyo natagalan daw niya itong napatapos dahil sa ilang detail na gusto niya at talagang ipinasunod niya, lalo na ang interior nito na kahit mahal ay okey lang sa kanya. Kaya, padahan-dahan niyang pinatapos ito dahil din siyempre sa financial consideration.

Pero as of now, almost done na ito at any time ay lilipat na silang pamilya.

Sa tanong namin sa kanya kung preparasyon na ito para sa kanyang pag-aasawa ay malakas na halakhak ang naging sagot ng Kapuso actress.

Kahit matagal na sila, pero wala pa naman ito sa kanilang plano at mukhang matatagalan pa ito.

Para kay Kim, ang bahay na kanyang binuo ay hindi para sa kanyang pag-aasawa kundi para sa kanyang pamilya na matagal na nilang pangarap.

Kaya, hayun, work, work daw muna ang drama niya sa kabila ng matibay na relasyon nila ni Michael Acuña.

Samantala, maging kami ay natawa sa mga eksena sa TODA One I Love habang kinukunan ang isang dance showdown ng mga komikerong cast nito lalo na yung kamukhang-kamukha ni Xander Ford bago pa man ito na-make over.

Sabay rin ang comedy skill ni Buboy Villar na parang si Mr. Wong ang mga ngipin, pero bawi naman sa kaguwapuhan ng ibang cast katulad ng “That’s My Bae” finalist na si Joel Palencia, Tommy Peńaflor at Kevin Sagra.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy