Una sa Balita

Catriona Gray lilikha ng kasaysayan sa beauty contest

Miss World PH noon, Miss Universe PH ngayon

By
0 2,767

Siguradong nakatutok ang mga mahihilig sa beauty contest sa Binibining Pilipinas 2018 grand coronation night mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Marami nga ang nagsasabi na gagawa ng history si Catriona Gray na isa sa early favorites.

Si Catriona rin kasi ang naging Miss World Philippines noong 2016 at pumasok sa top 5 ng Miss World, pero ang nanalo ay si Stephanie Del Valle ng Puerto Rico.

So, mamayang gabi, marami ang tututok kung siya ba ang makokoronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe 2018 (Miss Universe Philippines) at kung siya ang magi­ging official candidate natin sa Miss Universe 2018, huh!

Sa ibang bansa, hindi big deal na ang kanilang mga kandidata ay parehong sumasali sa Miss Universe at Miss World.

Isa pang tututukan mamayang gabi ay ang first time na pagtatambal nina Richard Gutierrez at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang mga host.

Makikita na mamaya kung may chemistry­ ang dalawa at may mga nagsasabing baka magbunga ng movie project ang pagtatambal nila sa Binibining Pilipinas 2018 grand coronation night.

Kagabi, nag-rehearse na sina Richard at Pia para sa mga gagawin nila mamayang gabi.