Una sa Balita

Catriona gagawa ng libro, musika

0 351

Balik-Pilipinas na ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray matapos niyang maipasa ang Miss U crown kay Miss South Africa Zozibini Tunzi nitong Lunes, Disyembre 9 na naganap sa Atlanta, Georgia.

“First off, I’m so excited to be home. Although I’ve traveled a lot back to the Philippines during this year, now it’s really homecoming trip because my reign as Miss Universe has ended,” ani Catriona ayon sa ulat.

Ngayong natapos na ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe, nais, aniya, ng reyna na ituloy ang career sa music at mag-release ng libro.

“Very very excited for future projects that we have in the pipeline. Me and my management, Cornerstone, will be starting tomorrow na po. So far the next 2 weeks I’m gonna work on a lot of exciting things and it will be revealed to you guys very very soon,” dagdag pa ng reyna.

Ayon pa kay Catriona, mula 18-anyos siya ay pinapangarap niya nang mapunta sa industrya ng musika na laging naisasantabi.

“Actually now that I get to pursue it, it’s like, oh my goodness, it’s like another dream that I’m able to see in my view,” sabi pa ni Catriona. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More