Una sa Balita

Catriona, Francesca suwerte sa patriotic gown

0 660

Tila nauuso ang mga patriotic gown na siya bang dahilan ng pagkakapanalo ng mga kandidata ng bansa sa mga international beauty pageant.

Gaya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nang kinoronahan ay suot ang tinaguriang lava gown na inspired sa Bulkang Mayon, ngayon naman, ang bagong hirang na Miss Tourism World Intercontinental na si Francesca Taruc ay suot ang gown na inspired sa 3 stars and a sun ng ating flag.

Ang 3 stars and a sun gown ni Francesca ay dinesenyo ni Benj Leguiab IV na unang ginamit ni Alyssa Muhlach nang mag-compete sa Reina Hispanoamericana Filipinas 2018 sa Bolivia.
Kahit recycled ang gown ni ­Francesca, 20, wagi naman siya ng korona.

Si Francesca ay mula sa Angeles City, nagtapos ng kursong Communication at apo ni Supremo Luis Taruc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy