Una sa Balita

Catriona fever!

0 1,062

DUMATING na sa Pilipinas nitong Miyerkoles ng hapon si Miss Universe 2018 Catriona Gray, at ang mensahe niya sa kanyang mga kababayan ay ­tumulong sa mga nangangailangan lalo na nga­yong Kapaskuhan.

“I hope that you get the spirit of giving this Christmas. Open up your heart to your neighbors, to a cause, to a charity near you,” wika ni Catriona.

“Christmas should be enjoyed by all no matter where you are or where you’re from of what you have. It really is a time for family and for giving, so please do get in the spirit of Christmas,” dagdag pa niya.

Labis umano ang kanyang kasiyahan matapos pagwagian ang korona ng Miss Universe sa coronation night noong Lunes sa Thailand.

“I’m so happy to be back and to see everyone and to be back home in the Philippines,” aniya.

Hapon na lumapag ang private jet na sinak­yan ni Catriona mula sa Thailand. Sakay din ang may-ari ng jet na si dating Ilocos Sur governor Luis ‘Chavit’ Singson, anak na si Richelle Louise Singson-Michael at ilang miyembro ng Miss Universe organization.

Bago tumulak patungong Thailand si Catriona, sinabi nitong ang kanyang wish ngayong Pasko ay maibalik ang korona sa Pilipinas.

Sa text message naman ni Singson, binanggit nito na Huwebes ng hapon magtutungo ng Malacañang ang bagong Miss Universe.

Sa Enero 2019 lilipad si Catriona patungong New York upang simulan ang kanyang duty bilang Miss Universe 2018.

Kasabay ng pagdating sa bansa ay hinanap ng publiko ang korona at sash sa Miss U ni Catriona.

Sa Twitter ay kumalat ang tanong ng netizen kay Catriona na nakagawiang makita kapag may nagbabalik-bansang nanalong beauty queen.
Isang netizen ang nag-post ng mga katagang:

Malene Cabarles: “Bakit wala syang sash ng ms. U. Ang alam ko dapat suot nya yun.”

Mistula ring tinakasan ni Catriona ang Miss U organizer sa pag-uwi niya ng ‘Pinas na hindi ­ginawa ng dating Miss U titlist na si Pia Wurtzbach na tumuloy sa headquarters ng Miss U sa New York.

Pero ayon sa ulat, planado ang pagbibigay-prayoridad ni Catriona na bumalik ng bansa dahil sa ilang mahahalagang aktibidades.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More