Una sa Balita

Catriona agaw-eksena sa NY Fashion Week

By
0 321

Pinag-uusapan ngayon ang pag­rampa ng ating pambato this year sa Miss Universe na si Catriona Gray sa New York Fashion Week ni Sherri Hill. Si Sherri Hill ay isa sa mga sponsor ng Miss U kaya ang maimbitahan sa rampahang ito ay sinasabing malaking advantage para sa isang kandidata dahil somehow ay may basehan na ang mga judge ng Miss U kung paano magsa-shine si Catriona sa December, sa Thailand.

Impressive raw ang performance ng Pinay beauty, kaya mas lalong na-curious ang mga utaw at mas dumami ang mga tagahanga nito who are all wishing her good luck.

Samantala, inaabangan din ang pagrampa ng pinakasikat na Miss Universe title-holder na si Pia Wurtzbach.

Kilalang kabogera on stage si Queen Pia without even trying kaya mas lalo nga raw naging exciting ang Fashion Week na ito.

Bongga talaga ang Pinay beauties, huh!