Una sa Balita

Catriona 6M na ang follower sa IG

0 241

Sinusulit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang reign dahil in five months ay ipapasa na niya sa bagong reyna ang Miss Universe crown.

Kaya naman walang pinapalagpas na anumang activities si Queen Cat para maging unforgettable ang kanyang pagiging Miss Universe.

Sa latest post ni Queen Cat sa Instagram, kasama niyang namamasyal sa iba’t ibang sights ng New York City ang mga bagong roommate niya na sina Miss USA 2019 Chelsie Kryst of North Carolina at Miss Teen USA 2019 Kaliegh Garris of Connecticut.

“You know it’s a good time when the whole crew is together @kalieghgarris @chesliekryst … Captured by our supermom @swanbirdnyc #MissUniverse @missuniverse,” caption pa ni Catriona.

Kasama sa pamamasyal ng tatlong reyna ay ang pagpunta sa Liberty Island kunsaan naroon ang pamosong Statue of Liberty, at sa Ellis Island.

Sa isang post naman ni Queen Cat ay nagpasalamat ito sa kanyang followers sa IG dahil umabot na sa 6 million ang followers niya.

Sa kanyang six months bilang Miss Universe, uma-average siya ng 1 million followers kada buwan.

“Ah!! We’re 6M strong just in time for my 6months as @missuniverse… thank you all for endlessly inspiring me, allowing me to share the causes I’m passionate about and for supporting me on this amazing journey that I’m on! Mahal ko kayong lahat!!.. #MissUniverse,” caption pa ni Queen Cat. (Ruel M­endoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy