Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Catantan kinapos sa Fencing Championships

0 30

NAGTAPOS na ang kampanya ni Pinay fencer Samantha Catantan sa 2021 World Junior and Cadet Fencing Championships bilang top 20 sa tomeo na ginanap sa Cairo, Egypt Martes ng gabi (Manila time).

Tumiklop si 19-year-old Catantan, freshman fencer sa Penn State University, sa Round of 32 ng Junior Women’s Foil kontra kay May Tieu ng USA sa iskor na 8-15.

Pumwesto naman sa ika-17th place si Catantan, wagi ng bronze medal sa NCAA Division I Fencing National Championships at komopo ng All-America honors, para sa pool results.

SM food to go Banner Ad

Samantala, nagtapos naman ang karera nina Pinay fencers Annika Santos at Daena Talavera sa torneo bilang ika-58 at 69th placer, ayon sa pagkakabanggit.

Para sa Juniors Men’s Foil, nagwakas naman si Lance Tan sa pang-23 matapos tumaob sa Round of 32 kay 2018 Youth Olympics silver medalist Kenji Bravo ng USA. (Janiel Abby Toralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.