Una sa Balita

Catalonia, kakalas sa Spain

0 9

Sa kabila ng kaguluhan sa botohan, nagdesisyon ang mga mamamayan ng Catalonia na pumayag na magkaroon ng independence mula sa Spain.

Inanunsyo mismo ni Catalan president Carles Puigdemont na 90% ng kanilang kababayan ang pabor na kumalas sa Spain at magtayo ng sariling republika.

Hindi naman kinilala ni Spanish Prime Minister Mariano Rajoy ang resulta ng referendum dahil sa ilegal umano ito. Tinangka pa ng gobyerno na pigilan ang botohan noong Linggo nang bantayan ang mga polling stations at kumpiskahin ang mga balota kung kaya’t sumiklab ang gulo.

Abante Hiring – IT dep

Nakunan pa ng video ang mga pulis na kinaladkad ang mga botante sa kanilang buhok, itinutulak ang mga tao sa hagdan at pinagpapalo ang mga bumbero na nagbabantay sa polling precincts.

Ayon sa awtoridad ng Catalan, 92 katao ang kumpirmadong sugatan habang 844 naman ang nangailangan ng atensyong medikal. Ang Catalonia ay isang rehiyon sa northeastern Spain kung saan dito makikita ang mga maraming karagatan at may population na 7.5 milyon na katao. Binubuo ito ng apat na probinsiya gaya ng Barcelona, Girona, Lleida at Tarragona. (AFP)