Una sa Balita

Casugay ambassador na

By
0 210

Nahirang na sports ambassador ng Chooks-to-Go si 30th Southeast Asian Games PH 2019 hero at gold medallist Roger Casugay.

Pinakita ng atleta ang kakaibang pagkalinga sa kapwa atleta nang sagipin sa pagkalunod ang kalabang Indonesian habang isinasagawa ang kompetisyon sa men’s longboard surfing sa SEA Games nitong Disyembre.

Isa pa rin sa mga ipapakilala ang nagwagi din ng ginto sa nakaraang SEAG na si Jaime de Lange na kabilang sa skareboarding men’s downhill skating.

Isasagawa ngayon ang contract signing ng Chooks-to-Go at Special Olympics Philippines kung saan parte ang dalawang manlalaro.

Magsasalo ang Chooks-to-Go at SOP sa memorandum of agreement na magpopormalisa sa pagpareha sa pagdaraos sa ‘Kaya ‘Yan, Manok ng Bayan’ campaign, isang nationwide sports at employment program para sa mga personahe na may intellectual disabilities.

Inaasahang dadalo sina BAVI president Ronald Mascariñas, Special Olympics Asia-Pacific executive Kaye Samson, International Global messenger Brina Kei Mexino, campaign ambassador Kobe Lorenzo Paras at reelected POC Athletes Commission officer Nikko Bryan Huelgas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More