Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Castro, Tropang Giga lulunurin Blackwater

0 138

KASADO na ang balik ng PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga ngayong araw.

Nilabas kahapon ng liga ang schedule para sa unang linggo ng restart na sinuspinde ni commissioner Willie Marcial mula Aug. 4.

Triple-header agad ang unang araw ng laro sa Don Honorio Ventura State University.

Babasagin ng Blackwater at TNT ang hostilidad ng 12:30 pm, susundan ng bakbakan ng Terrafirma at SMB sa 3 pm bago ang Meralco-Magnolia sa nightcap ng 6 pm.

Bago natigil ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig, nangunguna sa pulutong ang Hotshots na undefeated sa apat na laro kabuntot ang Tropang Giga (3-0).

Nasa ibaba nila sa standings ang Bolts (4-1), SMB (3-1), Rain or Shine (4-2), NLEX (2-2), Ginebra (2-2), Alaska (2-3), NorthPort (1-3), Phoenix (1-4), Dyip (0-4) at Bossing (0-4).

Sina Jayson Castro, Troy Rosario, Poy Erram at Mikey Williams din ang huling naglaro noong Aug. 1 nang giyahan ang TNT sa 84-80 panalo kontra Fuel Masters. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.