Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Castro solb na sa aral, bogtsi

0 173

Hind pinag-agawan ng mga kolehiyo at unibersidad para sa kanilang basketball programs bago naging Philippine Basketball Association (PBA) star si Jayson Castro, pero pinatunayan naman niyang hindi hadlang iyon.

Simple lamang ang hiling ng Bacolor, Pampanga native cager noon sa kanyang papasukang paaralan—scholarship, pagkain at matitirahan. Tanging ang Philippine Christian University Blue Dolphins at San Beda University Red Lions ang mga nag-alok sa kanya para maging student-athlete.

Ayon pa sa Gilas Pilipinas stalwart, hirap ang kanyang pamilya upang sustentuhan siya sa pag-aaral sa Maynila kaya naman pasalamat siya sa PCU na sumuporta at nag-alaga sa kanya.

Hindi rin naging hadlang iyon para sa matagumpay na TNT KaTropa playmaker: “Naging added motivation sa akin ‘yon. (Abante TONITE Sports)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.