Una sa Balita

Castro at Rosario pansalba ng Gilas

By
0 1,158

MALAKING bagay si Jayson Castro, kasama si Troy Rosario at ang home crowd, sa balikwas ng Gilas Pilipinas kontra Japan.

Linggo ng gabi sa MOA Arena, kinalos ng Filipinos ang bisitang Akatsuki Five, 89-84, para umangat sa 3-1 sa Group B ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Eight points lang ang kinamada ni Castro, pero ibinaon ang crucial basket na naniguro sa ­panalo.

Nakabawi ang Gilas mula sa 84-68 loss sa Australia noong Pebrero 22 sa Melbourne.

Hindi nakaporma agad ang starting unit ni coach Chot Reyes na sina Andray Blatche, Japeth Aguilar, Matthew Wright, Gabe Norwood at Castro, naiwan pa, 20-4, sa kalagitnaan ng first quarter.

Pagpasok ni Kiefer Ravena at ng second unit, nagsimulang bumalik ang Gilas. Naka-3 agad si Ravena sa unang pukol, paramdam din agad si Rosario pagtapak sa court at dumikit ang Filipinos, 22-21, pagkatapos ng opening period.

Mula dulo ng first patawid sa 6-minute mark ng second ay naglunsad ng 21-2 run ang Filipinos para lumayo, 37-24, na nagpaingay sa capacity crowd ng venue.

“Even if Japan had gotten that early lead, we didn’t panic,” lahad ni Reyes pagkatapos ibaon sa 0-4 ang Japan. “We also knew Japan was basically fighting for it’s life so they needed to jump on us and come out strong. That’s why we made sure that the second unit was prepared because in my mind, it was the second unit that would get us back into the ballgame.”

Hindi basta sumuko ang Japan, nakadikit pa rin, 46-41, sa break at kahit naiwan, 72-61, pagkatapos ng three ay nakipagpukpukan sa fourth hanggang huling dumikit, 86-84. (Vladi Eduarte)