Una sa Balita

Castro, Rosario kinarga ang TNT, niligwak ang RoS

Bonggang pagbabalik!

By
0 511

Nadala ng dalawang Team Pilipinas member na sina Jayson Castro at Jeth Troy ­Rosario ang magandang performance sa FIBA World Cup Asia qualifying meet patungo sa muling pagsabak nila sa PBA.

Sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Sunday showdown, pinayuko ng TNT KaTropa ang dating league leader Rain or Shine, 100-92, sa Ynares Center sa ­Antipolo City.

Nakadikit sa first quarter ang RoS, ngunit pagdating ng second canto ay tuluyan nang umabante ang TNT sa pangu­nguna ni Castro para sa 17 puntos na kalamangan, 56-39, papasok ng second half.

Muling nakabalikwas ang Elasto Painters sa dulo ng ikaapat na yugto, huling isang minuto ay nakasunod sa likod ng Texters sa bisa ng free throw ng rookie na si Jjay Alejandro at side-step move ng beteranong si James Yap, 95-91.
Pero sinelyo ni Castro ang laro sa pandiin na dalawang free throw para tuluyang makuha ang ikaapat na panalo sa pitong salang.

Naputol naman ang five game winning streak ng Elasto Painters para bumaba sa second spot sa standings, 7-2. Nasolo ng Phoenix Pulse ang tuktok sa 7-1.

Tatlong rebound lang ang kinulang para mag-triple double si Castro, lumarga ng 20 points, 10 assists at pitong boards, habang si Rosario ay kumaripas din ng 20 points at anim na rebound.

Para sa Rain or Shine, nanguna si Yap na sumungkit ng 18 markers sa tatlong tres, nakatuwang si Maverick Ahanmisi na may 14 points at pitong rebounds.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy