Una sa Balita

Castro Player of the Week

0 226

SOLIDO ang laro ni Jayson Castro sa dalawang huling salang ng TNT KaTropa sa PBA Commissioner’s Cup – parehong panalo laban sa Rain or Shine at Blackwater.

Nagsumite ang vete­ran guard ng averages na 14.0 points, 6.5 rebounds at 7.5 assists sa dalawang tambakang panalo.

Naselyuhan ng Ka­Tropa ang isa sa twice-to-beat bonus sa playoffs, naging unanimous choice si Castro bilang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week (July 1-7).

Naungusan ng two-time best point guard ng Asia ang 12 pang nominado sa weekly citation sa pangunguna nina Reden Celda ng Columbian at Stanley Pringle ng Ginebra.

Kinapos ng tatlong rebounds si Castro para kumpletuhin ang triple-double sa 115-97 rout ng TNT sa Elite sa isinumiteng 13 points at 10 assists, may sahog pang 2 steals at walang turnovers sa loob ng 34 mi­nutes noong July 7.
Sa 102-81 rout sa Elasto Painters noong July 3, may 15 points, 6 rebounds at 5 assists si Castro sa loob ng 37 minutes.

Nasa seven-game winning streak ang Ka­Tropa tungo sa league-best 9-1 card, may tsansang sikwatin ang No. 1 seeding sa playoffs kapag tinalo ang Magnolia sa pagtatapos ng eliminations sa July 17. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy