Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Castro, PBA pararangalan

0 70

BUONG staff ng PBA ay bibigyan ng special citation sa PBA Press Corps virtual Awards Night sa March 7 sa TV5 Media Center.

Hindi biro ang 24/7 na trabaho ng 17-man staff sa pangunguna ni deputy commissioner Eric Castro sa Philippine Cup bubble sa Pampanga bago natapos ang nagdaang taon.

Magbibigay din ng Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive at President’s Award ang grupong regular na nagko-kober ng PBA sa special bubble award na hatid ng Cignal TV at ipapalabas sa PBA Rush sa March 8.

Iba pang honorees sina Justin Chua (Top Bubble D-Fender), Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger at Chua (All Bubble D-Fenders), RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Perez (Scoring Champion), Ginebra-Meralco semis Game 5 (Game of the Bubble), at sina Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona at Renzo Subido (All-Rookie).

Sa one-hour event na rin ibibigay ang awards ng mga kuminang noong 2019 season sa pangunguna nina Baby Dalupan Coach of the Year Leo Austria ng SMB, Danny Floro Executive of the Year Ricky Vargas ng TNT, Presidential Awardee Vergel Meneses, at Defensive Player of the Year Sean Anthony ng NorthPort. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.