Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Castro out sa Gilas

0 192

HINDI makakadribol kasama ang Gilas Pilipinas sa nalalapit na February window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sina veteran Jayson Castro at Carl Bryan Cruz.

Ekis ang dalawang basketbolista mula TNT Tropang Giga sa kasalukuyang bubble ng Gilas na sasabak sa torneong gaganapin Pebrero 24-28 sa Smart Araneta Coliseum.

Bagaman wala sina Castro at Cruz, swak naman sa koponan sina Kelly Williams, Kib Montalbo, Poy Erram, Roger Pogoy at Gab Banal.

Nakatakdang makatapat ng Gilas sa torneo ang kampo ng South Korea sa Peb. 24 at 28 ngunit napaulat na umatras ang nabanggit na bansa dahil sa COVID-19 cases.

Samantala, makakabangga naman ng Gilas sa Peb. 25 ang India at Peb. 27 ang panig ng New Zealand. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.