Una sa Balita

Castro nagpasibat kay Romeo sa TNT?

ABA TEKA!

By
0 1,109

TUMANGGING magbigay ng anumang pahayag ang Asia’s premier pointguard na si Jayson Castro hinggil sa naganap na isyu sa loob ng TNT KaTropa na naging dahilan tungo sa pagkakalipat ng kakampi nito sa Gilas Pilipinas na si Terrence Romeo.

Ang kinikilalang franchise player ng KaTropa ay biglang nasangkot sa kontrobersya matapos ang paghihiwalay sa pagitan ni Romeo sa TNT kung saan ilang ulat ang nagtutulak dito na isa siya sa nagpasimula sa petisyon kasama ng grupo ng mga manlalaro na hiniling na ilipat ang dating FEU Tamaraw player.

Gayuman, binalewala lamang ng apat na beses naging Best Player­ of the Conference awardee at nagpasintabi na hindi magbigay ng anumang komento sa nangyari at mas nais nitong mag-focus na lamang sa kampanya ng koponan sa nalalapit na 2019 PBA Philippine Cup.

“I think yung lineup namin nga­yon, confident naman ako na okay kami,” tanging sagot ni Castro.

Hangad ng TNT na malampasan ang masamang kampanya noon nakaraang taon sa pagkakakuha nito kina Brian Heruela at David Seme­rad mula sa San Miguel pati na rin kay Michael Miranda sa NLEX mula sa mga trade.

Aminado si Castro na matataga­lan bago muling makapagpakita ng pangil ang koponan sa ilalim ni coach Bong Ravena at team consultant Mark Dickel.

“Ang daming bago sa amin, even sa coaching staff. Yung offense na nira-run namin, equal opportunity para sa lahat,” sabi ng 32-anyos na si Castro. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy