Una sa Balita

Castro nagbalik, TNT pinigil ang Dyip

0 282

NI Lito Oredo

SINOLO ng TNT KaTropa ang pagkapit sa liderato sa pagsungkit sa ikalimang sunod na panalo sa pagpapalasap ng 109-102 kabiguan sa Columbian Dyip sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2019 PBA Commissioners Cup Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Pinamunuan ni import Terrence Jones ang KaTropa sa itinalang 34 puntos, 16 rebounds, anim na assist, isang steal at pitong blocks habang tumulong si Jayson Castro na naghulog ng 22 puntos, limang rebounds, anim na assists at dalawang steals upang itulak ang TNT sa ikapitong panalo sa loob ng walong laro.

Ibinigay ni Castro, na agad nagbabalik sa koponan matapos magpakasal noong Sabado, sa ipinasok nitong 3-points ang pinakamataas na abante ng TNT KaTropa sa 14 puntos sa ikaapat na yugto sa 94-80 sa eksaktong ikalimang minuto ng laro.

Huling nagtabla sa ika-11 pagkakataon ang laro sa 73-all sa pagsisimula ng ikaapat na yugto matapos makawala si Columbian import Lester Prosper subalit hindi nito nagawang panatilihin upang malasap ang ikalawang sunod na kabiguan at mahulog sa kabuuang 1-5 panalo-talong record.

Gayunman, umalagwa ang KaTropa sa pag­hulog ng 18-7 bomba sa sumunod na apat na minuto upang itala ang 13 puntos na abante mula sa jumper ni Roger Pogoy sa 91-78.

Pinilit pa ng Dyip na maghabol sa pagpasok ni CJ Perez ng isang tres upang makalapit sa siyam na puntos, 85-94, subalit hindi na nakayanan ng Columbian maagaw ang laban upang mahulog sa ikalawang sunod na kabiguan at kabuuang 1 panalo at limang tao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy