Una sa Balita

Castro, McDaniels pupulbusin ang Dyip

0 292

Mga laro ngayon: (Ynares Center, Antipolo)

4:30pm — Blackwater vs. NorthPort

6:45pm — Columbian vs. TNT

(Coca-Cola Arena, Dubai)

6:00pm (10:00pm, Manila time) – NLEX vs. Ginebra

KAABANG-ABANG ang salpukan ng Columbian Dyip at TNT sa nightcap ng double-header sa Ynares Center sa Antipolo mamaya, pagkatapos ng bakbaan ng Blackwater at NorthPort.

Wala pang talo sa tatlong laro sa PBA Governors Cup ang KaTropa, nakatambay sa tuktok ng standings.

Hindi nalalayo ang Dyip na nakadalawang panalo na sa tatlong laro.

Huling biktima ng TNT ang Phoenix 123-118 noong Biyernes, parehong araw na sinagasaan ng Columbian ang Batang Pier 114-108.

Napanatili ng KaTropa ang spotless record, pero hindi kuntento si coach Bong Ravena sa inilaro ng kanyang players.

“We gave away 118 points, wala kaming tataluning malakas na team kapag ganyan,” bulalas ni Ravena sa postgame interview. “We have to improve. We can’t play the same way. We have to be consistent on our defensive effort.”

Nanatili sa laro ang TNT nang umpisahan ang fourth quarter sa apat na 3-pointers, dalawa rito mula kay RR Pogoy. Overall ay 18 for 30 mula sa labas ng arc ang KaTropa sa pangunguna ng 6 for 9 shooting ni Troy Rosario. May apat si Pogoy at tigatlo sina Jayson Castro at KJ McDaniels. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More