Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Castro bagong ‘hasa’ tuhod

0 91

Inaasahan na mas babangis at matibay na makakabalik sa paglalaro si TNT Tropang Giga guard Jayson Castro matapos na alisin sa isa sa kailangang operahan na dalawang tuhod nito ang pinoproblemang “bone spurs”.

Matagumpay na sumailalim sa operasyon si Castro noong Lunes ng gabi upang alisin ang mga buto sa tuhod na gumulo at nagpahina dito sa halos buong kampanya sa bubble ng PBA Philippine Cup.

Ang operasyon ay maituturing na tagumpay dahil agad nakauwi ang 34-anyos na kinilala bilang Asia’s Best Guard.

Gayunman, kailangang gawin sa isa pa nitong tuhod ang operasyon sa susunod na linggo.

“Next week yung isang tuhod (naman) kasi hindi puwedeng sabay,” paliwanag ni TNT resident physical therapist Dexter Aseron.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Minor procedure lang siya so uwi rin agad. Babalik na lang siya ulit next week,”

Naglaro si Castro na iniinda ang pananakit ng mga tuhod sa nagdaang All-Filipino conference kung saan matapang nitong ginabayan ang Tropang Giga sa finals kontra sa Barangay Ginebra.

Subalit hindi kinaya ng kanyang tuhod ang patuloy na paglalaro kaya napilitan itong palampasin ang ilang krusyal na laro na naging daan tungo sa kabiguan para sa titulo kontra sa Gin Kings sa Game 5, 82-78.

Ang dating starter ng Gilas Pilipinas ay nag-average ng 10.5 puntos, 5.7 assist at 2.7 rebounds sa apat na laro na ginampanan niya sa best-of-seen na serye.

Naapektuhan din ang tsansa ni Castro sa labanan para sa Best Player of the Conference award dahil napunta ito sa ika-15 sa statistical point standings na may 30.2 average SPs. Ang kasama sa koponan ng TnT na si Ray Parks Jr. ay nanguna sa karera gamit ang 38.2 sps.

Bago indahin ang tuhod ay nagtatala ang tinagurian na ‘The Blur’ ng average na 15.2 puntos, 5.1 assist, 3.5 rebounds, at 1.5 steal. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.