Una sa Balita

Castriciones ginigipit ang mga empleyado ng DAR

By
0 2,221

INAKUSAHAN kahapon ng union busting ng mga miyembro ng Department of Agrarian Reform Employees Union (DAREA) si Secretary John Castriciones dahil sa patuloy na panggigipit sa kanila kaugnay sa ipinaglalaban na lagdaan na ang promosyon nang mahigit 2,200 kawani ng kagawaran.

Ayon kay DAREA Pre­sident Nanette Pascual, umaasa sila na hindi pe­personalin ni Castriciones ang kanilang ipinaglalaban bagkus ay magkaroon ito ng bukas na isipan para pakinggan ang daing ng mga kawani ng DAR.

“Ngayon lang nangyari sa DAR na ang mga empleyado na naglalabas ng kanilang hiling at hinaing ay ginigipit ng kalihim ng ahensiya,” pahayag ni Pascual.

Abante Hiring – IT dep

Tinukoy ni Pascual ang banta umano sa kanya bilang pangulo ng DAREA. Aniya, may isang pagkakataon na dinuro siya ni Castriciones dahil sa kilos protesta na kanilang inilunsad habang may dalawa pang reklamo na inihain laban sa kanya na handa naman umanong harapin ni Pascual.