Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cassy Legaspi iniyakan ng mga fan

0 56

Pinusuan ng mga netizen ang husay ni Cassy Legaspi sa kanyang pagganap bilang Nina Acosta sa top-rating Kapuso primetime series na First Yaya.

Hindi kasi mapapansin na unang sabak ito ng Kapuso actress sa pag-arte.

Post nga ng netizen na si Sheee Yaaa, “Is this Cassy’s first TV series? Ang galing niyang umarte, gaya ng ina at ama niya.”

Agree naman dito ang isa pang netizen na si Ines Maglinte. Aniya, “Yes natural ang pag-arte ng anak ni Carmina. Ang galing umiyak, natural lang di pilit. Congrats Cassy.”

SM food to go Banner Ad

Komento naman ni @itsurtrish, “Watching replays of First Yaya. Jusko ka Cassy Legaspi, ba’t mo ‘ko pinayak!”

Nadala rin ang netizen na si Belaaaaaaa sa emosyon ng karakter ni Cassy, “Grabe dalang dala ako sa acting ni Nina. Wala akong masabi. Nakaka-proud ka talaga @LegaspiCassy.”

Maliban sa kanyang husay sa drama, marami rin ang nakatutok sa nakakakilig na eksena ni Cassy at ng kanyang partner sa serye na si Joaquin Domagoso.

Napapanood ang First Yaya gabi-gabi sa GMA-7, GTV, at Heart of Asia. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.