Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cassy, Darren aamin na rin? Kyline Alcantara, Mavy Legaspi magdyowa na

0 90

Matindi ang reaksyon ng mga netizen, lalo na siyempre ang mga fan nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Nag-post ba naman si Mavy ng picture ng isang mukha ng babae na kalahating lips at highlight ang dimples nito. Hindi man kita ang buong mukha, e, makikilala naman talaga na walang iba ito kung hindi si Kyline.

At ang pa-caption ni Mavy, “Her. Her smile. Her dimples. Yup, that’s the post.”

So, ini-assume na nga ito agad, as in, agad-agad ng mga fan na pag-amin na ni Mavy sa kanilang relasyon. Na waley na, officially, sina Kyline at Mavy na.

At ang dami rin mga celebrity o mga kaibigan nila na nag-react talaga sa IG post na ito ni Mavy. Una na ang kakambal niya na si Cassy Legaspi at nag-comment nang, “Maverick peter! Ano nanaman to?” Ni replayan siya ni Mavy nang, “Maria Cassandra! Ako lang toh!”

Si Rita Daniela ay napa- “Ayun na” Si AC Bonifacio naman, “Mavy Ha.” Nagsipag-react din sina Rayver Cruz, Juancho Trivino, Mark Herras, Sam Cruz at Leon Barretto.

May mga nag-comment pa na ang tapang daw ni Mavy dahil nagawang umamin. At dahil umamin na nga raw si Mavy, sabihan din daw nito ang kapatid na si Cassy na umamin na rin sa totoong relasyon nila ni Darren Espanto.

So, sina Mavy at Kyline na nga ba? Siyempre, nagtanong-tanong na kami. At ang siste, pwede naman daw na may something nga ang dalawa. Pero ang mas sigurado, sobrang close nina Mavy at Kyline kahit na noon pa.

At ang another catch, eh, baka rin daw nagsisimula ng mag-ingay ang dalawa. Hindi pa nari-reveal, pero sina Kyline at Mavy ay dalawa sa cast ng magsisimula ng mag-taping na “I left my Heart in Sorsogon.”

Yes, after ni Cassy, si Mavy naman nga ang papasok na rin sa pag-arte at serye. At ang balita namin, second week of July ay required ng mag-quarantine ang mga ito at kung negative naman ang magiging resulta ng PCR swab test, diretso na ng Sorsogon for the taping.

Makakasama nilang dalawa sa serye sina Heart Evangelista at Richard Yap.

Mike Tan ‘di pinabayaan ng GMA

Isa si Mike Tan among the Kapuso Dads o bagong Kapuso Dad pero naharap na agad ng kulang dalawang taon na sa pandemya ang pagiging tatay niya.

Inamin ni Mike na bilang tatay, hindi nawawala ‘yung nakaramdam siya ng anxiety, lalo na nga naman at dalawang babaeng toddlers ang mga anak nila ng kanyang asawa.

Pero like any others na hindi rin prepared sa pandemic, seeing Mike, mukhang nama-manage naman nito ng maayos ang pagiging tatay, asawa at the same time, as Kapuso ngayong panahon na ito.

Nakapag-lock-in taping din siya para sa serye nila ni Glaiza de Castro na ‘Nagbabagang Luha’ pero hindi pa lang daw niya alam kung kailan nga ito finally ipapalabas.

Naitanong din kay Mike kung hindi ba ito natakot nang magdesisyon na mag-asawa at magka-anak na nga na posibleng maapektuhan ang career niya.

Sey ni Mike, “Bago kasi ako nagpakasal, nakaplano na ‘yan lahat. Kumbaga, emotionally, spiritually, financially, prepared na ‘ko kung ano man ang mangyari.

“’Yung takot, palaging nandoon ‘yun kasi, hindi mo na alam kung anong role ang ibibigay nila sa ‘yo, since tatay ka na.

“Pero, nakita ko naman sa GMA na hindi siya masyadong nakaka-apekto kahit tatay ka na. Wala e, kasi gusto ko kung ano ang gagawin ko. Kaya nga medyo late ako nag-asawa at nagka-anak dahil tanggap ko na kung ano man ang magiging pagbabago.”

And so far naman daw, wala naman daw siyang nakikitang mga changes talaga.

Sheryl mukhang aswang

Kulang na lang si Manilyn Reynes at buo na sanang muli ang Triplets dahil sa Sabado, sina Sheryl Cruz at Tina Paner ay gaganap na magkaibigan sa episode ng Magpakailanman.

Nakausap namin si Sheryl na nananatiling isa sa mga artista ng Artist Circle ni Rams David at talagang kakaiba nga raw ang role at kuwento na ginawa niya for MPK.

Kakaiba naman talaga dahil isa siyang aswang na may sampung anak, piniling maging manggagamot, para hindi siya maging kagaya ng ibang aswang.

Sabi ni Sheryl, true-to-life raw talaga ang character na ginampanan niya. Ayon dito, “Pure-bred Aswang siya. Blinur na lang ang face niya noong ini-interview ni Ms. Mel (Tiangco), pero kilalang-kilala raw siyang manggagamot lalo na kapag pumupunta ng Quiapo.”

Nagpapasalamat naman si Sheryl na kahit may pandemic, nagtutuloy-tuloy raw ang trabaho niya. Mula nga naman Magkaagaw at ayaw pa niyang i-reveal pero meron daw siyang gagawin na bagong show sa GMA.

Pero aminado ito na malaking bagay raw sa kanya na ang anak na si Ashley ay nasa Daddy nito sa America at nagtatapos ng College during this time kahit nami-miss niyang makita physically.

“I think, all of us are affected with pandemic. Salamat sa Diyos na nakaka-survive naman. It’s not easy but it has been a struggle also.

“Hindi naman ako sobrang lalang depression pero nag-alala rin ako sa work. At yun nga lang, natutuwa lang ako na ang anak ko, nasa Tatay at nagpupursige ng pag-aaral. She’s in 3rdYear College and a Dean’s Lister.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.