Una sa Balita

Casio bulinggit na sumagitsit

By
0 2,174

Ipinagdiinan ni JVee Casio na may ibubuga pa siya nang akayin ang Alaska sa PBA Phi­lippine Cup playoffs.

Kilalang matibay ang pulso noong nag­lalaro pa sa UAAP para sa La Salle, nilista ni 5-foot-10 Casio ang unang triple-double ng kanyang career nang bitbitin ang Aces sa 99-95 panalo laban sa Rain or Shine noong Feb. 23.

Tumapos siya ng 22 points, 10 rebounds at 10 assists para punan ang pagkawala nina Calvin Abueva at Carl Bryan Cruz na kasama sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, at ni Chris Banchero (injury).

Sinelyuhan ng 31-anyos na playmaker ang panalo nang siguruhin ang dalawang free throws 11 seconds na lang sa laro.

Napagsarhan sa playoffs sa huling dalawang import-laden conferences ng pro league, balik sa quarterfinals ang Alaska dahil sa kabayanihan ni Casio na tinanghal na PBA Press Corps Player of the Week (Feb. 19-24).

Tinapos ng hukbo ni Alex Compton ang eliminations sa 7-4 win-loss card, nakasiguro sa best-of-three quarterfinals.

Naungusan ni Casio, top pick overall ng Alaska sa 2011 Draft, sa citation sina teammate Marion Magat, GlobalPort big man Kelly Nabong, JP Erram ng Blackwater, Arwind Santos at Marcio Lassiter ng San Miguel Beer, at Paul Lee ng Magnolia. (Vladi Eduarte)