Una sa Balita

Casimero iwas masunog

0 623

TENGGA muna sa nirentahang bahay sa Las Vegas ang WBO bantamweight champion na si Johnriel Casimero matapos makansela ang upakan nila ni WBA/IBF title holder Naoya Inoue dahil sa banta ng COVID-19.

Naurong kasi ang dapat na sabong ng dalawang boxer na gaganapin sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino.

Abiso naman ng Top Rank, iuurong na lang ito sa Hunyo kapag natapos na ang krisis sa kalusugan.

Nitong nakaraang buwan ay nagtungo si Casimero sa Miami upang magsagawa ng training camp bilang preparasyon sa upakan nila ni Inoue.

Matapos ito ay lumipat naman ito sa Las Vegas upang tumira sa tahanang may four-bedroom 307- square meter house na may pool at spa.

Kasama niya ang kanyang trainer na si Nonoy Neri, assistant coach na si Ting (Sugar) Ariosa at ang kanyang utol na si Jayson.

“Tama lang timbang ni Tata,” saad si trainer Neri.

“Adjust kami sa training program. Parating si Memo galing Miami. Pang-umaga ang training kay Memo, ako pang-hapon. Ayaw namin masunog si Tata. Hindi siya lumalabas ng bahay at delikado sa virus kaya walang jogging. Pagtapos mag-mitts, tuloy siya sa spa at pool. Heated yung pool at may parang masahe yung spa kaya tamang-tama pang-relax,” tuluy-tuloy na kuwento pa ni Neri. (Aivan Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More