Cash reward sa Bulacan massacre, hahatiin

By

Hahatiin ng awtorida­d ang P200,000 cash reward o pabuya sa lahat ng mga witness at naka­tulong upang maresolba ang pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya ng security guard na si Dexter Carlos sa kanilang bahay sa Northridge Royal Subdivision, Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan kamakailan.

Sina SJDM City Ma­yor Arthur Robes at Gov. Wilhelmino M. Sy-Alva­rado ay kapwa magkakaloob ng tig-P100,000 sa mga saksi at nagbiga­y ng impormasyon par­a malutas ang karumal-dumal na krimen na naganap noong Hunyo 27 ng madaling-araw at ipagkakaloob ito sa mga nakatulong para malutas at maisara ang kaso.

Mismong si Mayor Robes ang nagsabi habang nasa kasagsagan ng im­bestigasyon ng masaker na nandiyan lamang ang pera na pangako ng City government bukod pa ito sa pangakong pabuya din ng gobernador at sasalain ng awtoridad ang lahat ng witness at mga nakatulong sa kaso para maipagkaloob ang reward.

SHARE