Una sa Balita

Casa matumal na ang benta

0 239

Sa pagpapatuloy ng pag-asenso ng teknolohiya, siguradong mababawa­san ang mga taong nagkukumahog magpunta sa mall para mamili ng kung ano-ano.

Halos lahat kasi ngayon ay nagiging door-to-door delivery na ang estilo, mapa-damit, pagkain at kung ano-ano pa kabilang na ang mga spare parts ng mga sasakyan.

Kaya nga ba nag-iisip na rin ang mga may-ari ng mall kung ano pang gimik ang maari nilang gawin upang patuloy na tunguhin ng publiko na naghahanap ng kung ano-ano.

Bumababa na talaga kasi ang sales ng mga kalakal na nasa mall at sa lawak ng mga espasyo ng mga ito, hindi nakakapagtakang marami nang mabakante sa mga darating na araw.

Pero kung kabado ang karamihan sa mga may puwesto sa mall, tuwang-tuwa naman ang mga car dealer na nagdidisplay ng kanilang mga sasakyan sa mga mall.

Sa pakikipag-usap ko sa ilang mga ahente ng mga baguhang brand ng sasakyan dito sa bansa, ipinagmalaki nila na mas marami ang inquiries,­ reservation at benta sa mall kumpara sa mga show room.

Kaya pala kahit na may kamahalan ang kanilang upa sa mga main lobby ng mga mall ay sige lang ang pagdisplay ng mga tindang sasakyan.

Kuwento pa sa akin ng isang ahente, sa sampung benta nila, pito daw ay galing sa mall.

Kaya lumalabas na ang casa ay kumikita lamang sa periodic maintenance service (PMS) at pagkumpuni ng mga sasakyan na naaksidente.

Napaisip tuloy ako bigla kung bakit mahal magpaayos ng sasakyan sa casa kumpara sa mga mechanical shops na halos kagaya rin sa kanila ang kalidad ng trabaho.

Ayos ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More