Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carter Rubin wagi sa The Voice US 19

0 1,115

Hindi pa rin nakapaniwala si Carter Rubin na siya ang tinanghal na winner sa season 19 ng The Voice US. At 15-years old, si Rubin ang youngest winner ng naturang reality singing competition. Napanalunan niya ay isang life-changing record deal and $100,000.

Si Rubin ang first win ng The Voice US coach na si Gwen Stefani. Tinuturing ni Gwen si Rubin na parang isa sa mga anak niya. Kasing-edad raw ni Rubin ang eldest son niya na si Kingston.

Next season pala ay papalitan si Gwen ni Nick Jonas.

Taga-Shoreham, New York si Rubin at meron siyang brother na may autism. Malaking tulong daw ang perang napanalunan niya para sa mga gamot at pagpapa-doktor ng kanyang kapatid.

Mga musical influences niya ay sina Harry Styles, Shawn Mendes, Ed Sheeran, and Lewis Capaldi. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.