Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carter nalimas P5.5 milyon

0 613

HALOS $100,000 (nasa P5.5M) cash ang nalimas sa bahay sa Atlanta ni dating NBA star Vince Carter nang pasukin ng kawatan nitong weekend, ayon sa incident report ng Atlanta Police.

Pagkatapos ng insidente, dalawang baril at higit $16,000 ang narekober na nakakalat sa labas ng 10,000-square-foot home ni Carter sa Buckhead, ang nabawing pera ay bahagi raw ng $100,000 cash na nasa bag, nilagay sa closet.

Nakahiga na ang asawa ni Carter na si Sondi, kasama ng kanilang dalawang anak, bandang 11:50pm noong Linggo nang makarinig siya ng malakas na kalabog, nagtago raw sila sa closet at tumawag sa 911 bago nag-text sa kanilang neighborhood patrol.

Sa report ng The Atlanta Journal-Constitution, unang nagresponde ang isang miyembro ng neighborhood patrol at nakita niya ang isang lalaking sakay ng itim na SUV patakas. Hindi lang nahabol ang pinaghihinalaang suspek.

Hindi nasaktan ang mag-iina, pero basag ang front window ng main home. Sa loob ng 22 seasons, naglaro si Carter sa Raptors, Nets, Magic, Suns, Mavericks, Grizzlies, Kings, Hawks. Nag-retire noong 2020, NBA analyst na siya ng ESPN. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.