Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carpio buking ni Esperon sa pag-iingay vs WPS

0 115

May nasisilip na ibang motibo si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa inilunsad na online signature campaign ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio para igiit na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naging pahayag nito sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Esperon na kailangang maging mapanuri ang taumbayan para hindi magamit sa isinusulong na interes ni Carpio.

Sinabi ng kalihim na dapat tingnan ng publiko ang naging pagkukulang at hindi nagawa nina Carpio noong nasa puwesto pa ang mga ito na gustong ipagawa ngayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kasi ang alam ko siya ang nangunguna doon sa tinatawag na 1Sambayan na parang coalition ng mga lalahok sa eleksiyon kaya ang motibo ay tingnan din natin iyong mga naging pagkukulang nila, ‘yong hindi nila nagawa “ ani Esperon.

Nasa pagpapasya na aniya ang publiko kung gusto nilang sumang-ayon sa pakay ni Carpio sa online signature campaign at susubaybayan na lamang nila ang kahihinatnan nito.

“Kung gusto ng mga kababayan natin na sumang-ayon kay Carpio, eh ‘di sige lang, tingnan natin kung freedom of expression iyan, pabayaan natin, titingnan natin, susubaybayan natin,” dagdag ni Esperon.

Batay sa mga na­ging pahayag ng Pangulo, sa panahon nina Carpio nawala ang terirtoryo sa WPS at kahit naipanalo nila ang kaso sa arbitral tribunal pabor sa Pilipinas, hindi ito maipatupad at mabawi ang nawalang isla dahil ‘di kinikilala ng China ang desisyon ng tribunal. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.