Una sa Balita

Carpio aayaw sa nominasyon bilang Chief Justice

By
0 788

DESIDIDO si Acting Chief Justice Antonio Carpio na talikuran ang kanyang nominasyon sa pagka-Punong Mahistrado.

Ayon kay Carpio, pormal na siyang mag-aabiso sa Judicial and Bar Council (JBC) na kanyang tatanggihan ang pagiging nominado niya sa posisyon.

Kabilang si Carpio sa limang most senior associate justice ng Korte Suprema na awtomatikong nominado sa pagka-Punong Mahistrado.

Bukod kay Carpio, kabilang sa most senior justice ng ­Supreme Court sina Associate Justices Teresita de Castro, ­Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Ma­riano del Castillo.

Sa Huwebes ang deadline ng pagsusumite ng written acceptance ng nominasyon para sa magi­ging kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa July 26, Huwebes din ang deadline ng pag-file at pagkompleto ng mga requirement ng mga aplikante.