Una sa Balita

CARP mag-iimbentaryo ng lupang ibinigay

By
0 171

LLANERA, Nueva Ecija — Sisimulan sa mga susunod na buwan ang isasagawang imbentaryo ng lahat ng mga naipamahaging lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa buong bansa, ayon kay Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Sa kaniyang mensahe bilang panauhing taga­pagsalita sa “Banuar A Mannalon 2017 Festival” dito kahapon, sinabi ni Kalihim Mariano na kanilang aalamin kung ilan pa kaya sa bawat 10 CARP beneficiaries ang patuloy na nagmamay-ari ng mga lupaing naigawad ng pamahalaan.

Tinuran pa ni Kalihim Mariano, na tubong Brgy. Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija, na isasagawa rin ng DAR ang pagpapalakas sa mga Barangay Agrarian Reform Councils (BARC) at bahagi nito ang pagpapadala sa mga kanayunan ng ‘Agrarian Reform Justice on Wheels’.

“Tulad ng proyekto ng Korte Suprema na Justice on Wheels, tatarge­tin natin ang mga areas na maraming agrarian ca­ses, that’s our way of ca­ses’ decongestion” pagdidiin ni Sec. Mariano.

Binanggit pa ng kalihim na naniniwala siyang walang magiging aberya sa nakatakdang pagsalang sa Commission on Appointments sa Mayo 24.

“Hindi naman sana tayo maaano” pabirong dagdag pa ni Mariano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy