Una sa Balita

Caroling kontra karbon: Clean energy hiling ng green group

0 216

Kapit-BISIG na nagmartsa patungong Malacañang ang mga grupong taga­pagtaguyod ng klima at kalikasan, faith-based organization, manggagawa, kabataan, kababaihan, at power consu­mer upang hilingin kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte at mga stakeholder ng enerhiya na pagkalooban ang mga Pilipino ngayong Pasko ng isang magandang regalo at ito ay ang tanggihan ang pagtatayo pa ng dirty, deadly, at costly energy mula sa coal o karbon.

Tinawag na ‘Caroling ng Mamamayan’, ang aksiyon ng multisectoral ay dahil na rin sa nalalapit nang matapos ang dalawang Linggong seryeng Christmas-themed na aktibidad na pinangungunahan ng Power for People Coalition (P4P), broad network ng mga clean ener­gy advocate dahil sa pa­tuloy na pangingi­babaw ng ‘energy mix’ sa bansa.

“These past weeks, Filipinos from all walks of life knocked on diffe­rent corporate and government bodies to hold them accountable for enabling coal to heavily burden Fi­lipinos with its costly price and the detrimental impacts it brings to the environment and its host communities,” ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P.

Umaasa umano ang mga Pilipino na paki­kingan ang kanilang pagsusumamo o kahilingan ng mga government office, financial institution, at corporate proponent na may kinalaman at kontribusyon sa paglaganap ng karbon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More