Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carnap gang member, nasilat sa buy-bust

0 176

MATAPOS nagpahinga sa carnapping, sa droga naman luminya ang isang miyembro ng Arevalo Carnap Group pero naaresto sa buy bust at nasamsam ang mahigit P103K halaga ng droga sa Imus City, Cavite Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Henry Bella y Flores, 50, may-asawa, ng Imus City, Cavite at miyembro ng Arevalo Carnapping Group.

Sa ulat ni Corporal Marnol Cunanan, ng Imus City Police Station, alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang isagawa ng operatiba ng PIU/PDEU Cavite PPO at Imus CPS ang buy bust sa Brgy Bucandala 4 na ikinaaresto ng suspek at narekober ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.