Una sa Balita

Carmina Villarroel balik ABS-CBN

0 960

Balik ABS-CBN si Carmina Villarroel, at spotted nga siya sa 9501 restaurant, sa ika-14 palapag ng building ng Dos.

Well, hindi naman tuluyang iniwan ni Carmina ang GMA, dahil isang project lang naman ang gagawin niya rito, at hindi ito isang teleserye sa Dos, kundi digital film na mapapanood sa iWant.

Si Carmina nga ang gaganap na nanay ni Andrea Brillantes sa “Wild Little Love” na dinirek ni Benedict Mique, at co-produced ng Dreamscape Entertainment at LoneWolf films. Kasama rin sa cast nito sina Carmina, Alfred Vargas, Criza Taa, Jin Macapagal, at Victor Neri.

Sabi ni Carmina, masaya siya na kahit nasa kabilang istasyon na siya ay kinukuha pa rin siya ng Kapamilya. At wala naman daw problema, dahil hindi nga ito kalaban ng GMA.
Bet ni Carmina na madagdagan pa ang pelikula, digital film niya, o mas humaba pa ang eksena nila nina Seth Fedelin at Andrea.

Kuwento ni Carmina, malaki ang paghanga niya kay Andrea, na bata pa lang ay nakikita, napapanood na niya. Si Seth daw ay ngayon lang niya nakatrabaho, pero ang laki nga raw ng potential ng bata.

“Sana mabigyan pa kami ng project at si Seth naman ang anak ko,” chika pa ni Carmina. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy