Una sa Balita

Carmina, Mavy, Cassy kapalit ni Regine sa ‘Sarap’

0 768
 
abante-i-know-better-jun-nardo
 
 Papalit sina Carmina Villaroel at ang kambal niyang sina Mavy at Cassy sa nilayasang Kapuso Saturday cooking show ni Regine Velasquez-Alcasid, ang Sarap Diva.
 
Pero hindi na gagamitin ang dating title ng show ayon na rin sa plug ni Carmina last Saturday­ sa Eat Bulaga. Kung tama ang dinig namin, maging Sarap Di Ba? Na ang kapalit.
 
Maiksi lang naman ang official statement ng GMA through Lilybeth Rasonable, Senior Vice President at Head ng Entertainment Group ng network. Kahit dalawang dekadang binigay ang lahat ng gusto ni Songbird, walang bakas ng sama ng loob sa pag-alis niya sa Kapuso.
 
Pero sa last episode ng coking show, pinasa­lamatan lahat ni Regine ang mga taong naging bahagi ng programa, mga boss sa network, staff at lahat ng na­ging katrabaho sa loob ng anim na taon.
With matching tears ang farewell ni Reg, huh!
 
***
 

Alden super tutok sa sitcom nina Maine, Bossing 

 
Amazing na, phenomenal pa ang feedbacks sa naka­panood ng pilot episode ng Daddy’s Gurl last Saturday sa Kapuso Network. Nakilala na nang manonood ang pamilya Otogan na kinabibilangan nina Vic Sotto, asawa niyang si Wally Bayola and yes, ang dalagang promdi na si Visitacion pero naging Sosy Stacy nang dumayo sa Maynila, huh!
 
Pampelikula ang pagkakagawa ng sitcom dahil on location ang ilan sa mga eksena. Hindi ito gaya ng ginawang sitcom ni Bossing na sa studio kadalasan ang taping kaya limitado ang galaw ng kamera.
“Nakakabitin ang mga eksena, eh! Ang bilis magpatalastas! Tang! Inang!” tweet pa ng Phenomenal Star.
 
Agad naman siyang nagpasalamat sa mga nanood after ng telecast.
 
“Maraming salamat!!!!­ Sana nagustuhan niyo ang pilot epi­sode ng Daddy’s Gurl! Sa susunod na Sabado ulit!” huling tweet ni Meng.
 
Sa totoo lang, ma­ging si Alden (Richards) ay nag-tweet gamit ang hashtag at ni-retweet ang tweet ni Meng, huh!