Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carmelo fresh sa NBA restart

0 296

PUMABOR kay Carmelo Anthony ang pagkakahinto ng 2019-2020 NBA season dahil mas gumanda ang kanyang pangangatawan.

Hinayag ni Portland Trail Blazers small forward Anthony na pinakinabangan niya ang apat na buwan na pagtigil ng banatan sa NBA dahil sa COVID-19.

Pakiramdam nito ay kondisyon siya at handa na sa restart ng NBA na gaganapin sa Orlando, Florida sa July 30.

“Your body feels fresh. Your body and your mind feel fresh. Other than that everything else is – it is what it is,” hayag ni Anthony sa interview nito kay Jamie Hudson ng NBC Sports Northwest. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.