Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carly tuloy ang laban

0 12

KAYOD na sa pag-eensayo sina volleybelle Carly Hernandez at ang BaliPure Purest Water Defenders upang paghandaan ang Premier Volleyball League Open Conference.

Nitong Martes, tumungo na sa San Fernando, Pampanga ang Water Defenders upang sumalang sa bubble training camp.

“Kaya pa? Kaya pa! Laban lang tayo!” caption ni Hernandez sa kanyang Instagram story kasama sina stalwart Gyra Barroga, Bien Juanillo at Selle Baliton.

Magugunita noong 2019 PVL Open Conference, tumapos sa ikawalong puwesto ang koponan habang nagreyna naman ang kampo ng Creamline Cool Smashers sa torneo. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.