Una sa Balita

Carlos, P’Builders alpas sa Angels

0 245

‘Di naubusan ng baterya si Diana Mae ‘Tots’ Carlos, kumamada ng 20 points, at ang Motolite tapos hatawin ang PetroGazz sa marathon game, 22-25, 25-13, 25-16, 16-25, 15-11, sa 3rd PVL Open Conference elims sa The Arena, San Juan City.

Pabida si opposite hitter Carlos ng 17 spikes at 3 blocks upang ibalik ang Power Builder sa loob ng win column at saluhan sa tersera sa 8-5 kartada ang BanKo.

Di nagpahuli sa opensa si Ma. Lina Isabel ‘Isa’ Molde na may 11 kills sa 12 points niya habang si Aiesha Gannaban rin ay may 6 blocks sa 10 points niya.

Sinandalan ni Motolite coach Godrey Okumu si Toni Rose Ponce na tinoka sa floor defense sa kinayod na 22 excellent digs habang inasahan naman niya sa pagpapaikot ng bola si Fenela Emnas na may 24 excellent sets.

Napunta lang sa wala ang 14 pts. ni Jonah Sabete sa paglagpak ng Angels sa 9-3 kahit ‘di natinag sa segunda. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy