Una sa Balita

Carlos, Motolite lulunurin ang BaliPure

0 309

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)

2:00pm — Motolite vs BaliPure

4:00pm — Choco Mucho vs Air Force

BIBITBITIN ni Tots Carlos ang Motolite sa pakikipagtagisan ng galing sa BaliPure sa unang laro alas-2 ng hapon sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Humagupit si Carlos ng 20 points, sa likod ng 17 attacks at 3 blocks, sa bakbakan nila ng PetroGazz nitong Miyerkoles.

Sasandalan rin ni Motolite head coach Godfrey Okumu si Isa Molde na nagbigay rin ng magandang performance matapos humataw ng 11 attacks para ibalik ang koponan sa winning column hawak ang 8-5 kartada.

Samantala, hindi naman papayagan ni Grazielle Bombita na makalsuhan ang 2-game run ng BaliPure na balak pang pagandahin ang kanilang 4-10 record.

Pumalo si Grazielle ng game-high 26 points para pabagsakin ang Air Force kamakailan.

Bakbakan rin ang Choco Mucho (6-8) at Air Force (5-7) sa ikalawang bakbakan. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy