Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carlos magic hugot ng Cool Smashers

0 14

HANDANG magpasiklab anumang oras para sa Creamline Cool Smashers si spiker Tots Carlos kagaya ng ipinamalas nito sa kanilang laban kontra Petro Gazz Angels ng 2021 Premier Volleyball League Open Conference.

Nitong Martes, malaki ang ambag ng University of the Philippines, Physical Education major, graduating student upang masungkit ng Cool Smashers ang panalo 24-26, 28-26, 25-22, 25-20.

“We expected a really high level of play. So I’m sure naman kami nag-prepare naman talaga kami. And ‘yun nga, if may mga lapses kami, we really have to fill in. And ako naman, lagi naman akong ready, like what the coaches and my teammates reminds me. Ready ako palagi,” litanya ni Carlos, pumasok sa ikatlong set ng laban at umiskor ng pitong puntos.

Samantala, ibinahagi naman ng 23-year-old gagraduate na ito sa UP.

Sa isang Instagram story, makikitang katuwang pa ni Carlos sa pagkuha ng graduation picture ang kanyang mga teammate na sina Alyssa Valdez at Michele Gumabao sa loob ng kanilang bubble as Laoag, Ilocos Norte. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.