Una sa Balita

Carlos kumalos sa Sto. Tomas

By
0 1,033

KAYOD-MARINO kahit saang bahagi si opposite hitter Diana Mae ‘Tots’ Carlos upang balikatin ang University of the Philippines sa pagkalos sa University of Santo Tomas 31-33, 25-23, 25-16, 25-12 sa The Arena-San Juan City kahapon.

Tumagpas ng 32 points si Carlos para para sa Lady maroons habang umukit pa si Ma. Lina Isabel ‘Isa’ Molde ng 24 markers para makabalik-track sa 80th University Athletic Association of the Philippines 2017-2018 women’s indoor volleyball tournament elims sa barahang 2-3 panalo-talo, nakalsuhan ang apat na deretsong semplang.

“Our opponents are a very good, very aggressive team and we welcome that. We knew it wasn’t going to be easy, but if we kept our heads in the game, we can win,” sambit ni Sate U coach Godfrey Okumu.

Nabigong maikuyom ng Diliman-based volleybelles ang opening set dahil sa pag-aalsa nina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Carla Sandoval mula sa 31-all.

Pero nakontrol na ng UP pagkaraan ang sumunod na tatlong frame bagama’t may paga-a­ngas pa rin sa Golden Tigresses na nagmanibela sa 12-11 lead sa third stanza.

Mula roon pumurol na ang pangil ng mga taga-España na kinasalampak din nito sa gayang rekord ng L’Maroons. Naka-23-puntos si Rondina sa Uste. (Elech Dawa)