Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carlos, Creamline nangangamoy finals

0 194

Mga laro ngayong Lunes: (PCV Socio-Civic & Cultural Center, Bacarra, Ilocos Norte)

2:00 p.m. – Chery Tiggo vs Choco Mucho
5:00 p.m. – Creamline vs Petro Gazz

Sa likod ng 22 kills, 23 points ni Diana Mae ‘Tot’s Carlos, tinakasan ng Creamline ng 27-29, 25-23, 16-25, 25-17, 16-14 marathon gam win ang Petro Gazz Angels sa Premier Volleyball League 2021 Open Conference ‘Bubble’ sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Lingo ng hapon.

Puwede nang walisin nina Carlos, may mahalaga ring papel na si Alyssa Valdez at defending champions Cool Smashers ang Angels sa Game Two ng best-of-three semifinals series ngayong Lunes ng alas-5:00 nang hapon.

“Tots is very very aggressive not only in terms of attacking but also inside the court very nice attitude nya,” pahayag ni Valdez, na pinuri rin sina Jema Galanza at setter Jia Morado.

We’re just really happy Jema really fulfilled her role and I think I can see everyone is really maturing,” hairit pa ng dating Queen Eagle.

Nauna ang Angels sa set 1 pero agad na tinabla ng Creamline sa tig isang set na panalo matapos uminit ang opensa nina Valdez at Carlos.

Muling umarangkada ang Petro Gazz sa Set 3 sa pagsiklab nina Myla Pablo at Grethcel Soltones. Hindi naman nasiraan ng loob ng Cool Smashers sa set 4 para makahirit ng decider.(Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.